Friday, September 15, 2006

MAhiRAp aNg mAsAktAn!

Mahal kita at wala nang iba,
Hindi kita ipagpapalit kahit sa sino pa,
Gagawin ang lahat upang ika'y mapasaya
Upang ngiti sa iyong mukha'y makikita.

Ngunit sa tuwing hahawakan kita
Bigla ka nalang nawawala
Ano ba ang aking magagawa
Tuluyan na nga lang bang kalimutan ka?

Sa tuwing nakikita naman kita
Masaya ka naman sa piling ng iba
Wala na tuloy akong masabi
Pakakawalan ka na lang ba o hindi?

Ang dami kong tanong sa sarili kong ito,
Kahit lahat ng ito ay malabo
Pagpapakawala sa nararamdaman ko
Tuluyan ka nang mapapalayo.

This poem is meant for ALL!